h1

Nobelista – gat3keeper

August 4, 2006

Nagsayaw ang mga salita
Sa harap natin
At sumabay ang mga talata
Sa pagindak

Ang kahapon
Ang nagsilbing musika
At ang kuwento,
Ay ikaw at ako

Sa bawat paghimlay
Ng mga letra sa natutuyong papel
Unti-unting nabubuo
Ang mga kataga

At sa gabi,
Matatapos ang lahat
Sa isang kuwento
Na paulit-ulit lang

Nakita kong nagsayaw
Ang mga salita
Sa harap natin
At kumanta
Ang bawat letra sa pangungusap
Sa himig ng ambon

Ngunit bakit may luhang pumatak?
Ganun na nga lang ba?

Sapagkat ang lahat
Ay natapos,
Sa isang tuldok
.

Leave a comment