h1

Silong – gat3keeper

April 2, 2022

Ayan na ang ambon
Dahan dahan dumadapo ang maliliit na patak
Sa ating mga mukha
Sabay tulak ng malamyang hangin
at yayakapin tayo ng lamig ng gabi…

Ayan umulan na
Bumuhos na ang galit ng langit
Na matagal ng nakatago
Sa damdamin nating nakapinid…

Halika, sumilong…
Yayakapin kita sa gitna ng kawalan…
Hahagkan ko ang malamig mong katawan…

Dahil sa gabing ito
Natabig natin
Ang sekretong matagal mo nang tinatago

Matagal mo na pala akong dinadaya
Matagal mo na palang pinaglaruan ang damdamin ko

Yayakap ako sayo

Di ko na alam ang pinagkaiba
Ng patak ng ulan
At ng luha sa ating mga pisngi…





Leave a comment