una nang kinuha ng gabi,
ang mga halik na sinabing ikaw lamang.
Ang mga labing painakaingatang labis,
nang panahon at paghihintay.
naturingan na’t kristal
at di mahulog.
ay siyang nagurlisan nang mabahiran ng minsang
pagkakamali..
kay dilim ng gabi,
ang banayad na mga haplos,
siyang patunay ng sabik na pagtutuos
ng mga katawang uhaw sa ulan.
Na wari’y ligalig sa sa dami ng
Magkasing narahuyo’t napalungi sa udyok ng dahas..
patuloy na manalangin,
na ang gabi at ulan.
ay tuluyang wag nang lumipas..
Ang balabal ng pag ibig,
sa sinta kong di na malalaman ang pangalan..
akoy nasilaw sa pangako ng pagkukunwari,
at ang lahat ay unti unti ng hinamak..
sa mga sandaling hiram lamang,
o sinta kong pinagtampuhan ng panahon.
tapusin na ang pangungulila,
sa araw at lilim.
hayaan mong tumawid ang pag ibig,
sa mga patak ng ulan at gabi.
hawiin ang tabing at
tayo tuluyan ng maglaho.
magpakailanman at sa dako…

