Patay Sindi
Tulad ng bituin
Parang christmas light
Na nakasabit sa maliit na puno
Habang may mga tinig
Na umaalingaw-ngaw sa paligid
Gaya mo…
Sisindi, ngunit
Magiiwan ng lungkot
Sa madilim na karimlan
Patay sindi
Gaya ng bituin
Ang taas nila… kulay puti o dilaw
Nagbibigay ng munting ilaw
Sa malulungkot na gabi
Habang kayakap mo ko
At magkahawak kamay
Sa tabi ng dagat
Ang lahat ng ito
Hanggang dito na lang
Sapagkat di magtatagal,
Iiwan mo rin ang lahat
Sa konting galaw
O ihip ng hangin
Iiwan mo ko sa dilim
Patay na ko kaibigan
Tumakbo na ang pag-asa
Pundido na ko…
