h1

Ikaw at ang DVD – gat3keeper

September 25, 2008

Tititig ako sayo mula sa kawalan
Habang bumubulong ang isip
At baliw na umaasa
Na sana’y marinig mo
Ang mahihinang tinig
Ng tatlong taong
Itinabi natin sa isang kahon

Gabi noon
Nang hindi sinasadyang
Matabig natin ang natutulog
Na istorya at mga kwentong
Tila mga papel na tinunaw ng ulan

Hindi ka pa rin nagbago
Naibulong sa sarili

Para kang DVD
Na paulit-ulit kong pinapanood
At sa lahat ng pelikula
Aaminin ko na ikaw ang paborito

At sa bawat yugto
Ay tila ba clear copy sa aking isip
Na kanina lang nangyari

Baliw akong nangarap
Na sana’y pwede i-pause
Ang mga senaryong
Nakapag pa antig sa akin

Ngunit ang lahat ay dumaan lang
Sapagka’t pinundot mo ang fastforward
At nagising ako sa katotohanang
The End na tayo kaibigan

Lumabas na ang main menu
At iniba mo na ang settings natin

Hindi ko na mabasa ang subtitles mo
At hindi ko na rin maintindihan
Ang mga sinasabi

Humiling ako sa taas
Na sana’y meron pang part 2 o part 3
Tulad ng Lord of the Rings na meron trilogy
O di kaya’y Prison Break
Na patuloy ang series

The End na nga tayo kaibigan
Naibulong ko
Itinago mo na ang tatlong taon
Sa isang kahon

Ako ngayon sa pagbabalik tanaw
Ay napapatanga
Hayaan mo akong lumuha
Habang nakaupo pa rin dito

Sapagkat tapos na ang aking kabaliwan

In-eject mo na ang lahat…

3 comments

  1. wow ganda…hehe


  2. wow ganada ahehe


  3. wow ganda..



Leave a Comment