
Elehiya ng Damdamin – gat3keeper
August 9, 2008Kailanman ay hindi
Magkakatawan tao
Ang damdamin
Sapagkat ang
kabuluhan nito,
Ay nababalot
Sa hiwaga ng kaisipan
At pilantik ng dila
Nakasulsi
Sa dulo ng kalungkutan,
Halakhak, at
Daing
Nagiintay lang na mahukay
Ng nakaraan
O mabaon sa kinabuksang
Ayaw natin
Ang lahat ay
Kathang isip lang
Ganun ang tao,
Ipinanganak sa manhid na mundo,
Kaya nasasaktan…