Archive for July, 2008

h1

Imik – gat3keeper

July 2, 2008

Wala nang sumasagi sa isipan
Kundi ang pagyakap ng blankong kaisipan
At magulong katanungan

Sapagkat, pumaroon na ang salita
Tangay ang katotohanan
Na ang lahat
Ay hindi mo rin maiintindihan

Paalam na lang ba ?
Ang lagi mong daing

At sa huli
Ang lahat ay nilukot na papel
Pagkatapos sulatan

Hindi magtatagal
Busog na naman ang basurahan
Sa paglamon ng pilas na kahapon
Kadikit ang panghihinayang

Wala kang naiintindihan
Hindi na ko iimik…