Archive for October, 2007

h1

Doon

October 26, 2007

Namaalam ako sa litanya ni Maria
At sa dako roon,
Andun ka… nakatayo

Namaalam ako sa panaginip ni Petra
At sa isang sulok,
Nakatayo ang anino mo

Namaalam ako sa kalungkutan ni Sisa
At sa likod ko,
Nakatayo ka

Namaalam ako sa ngiti ng kahapon
At alaala mo
Ang tumambad sa bulag kong mata

Namaalam ako sa’yo
At sa dilim
Humikbi ang mga tala

h1

Kalungkutan 2

October 25, 2007

Heto ka’t andyan ka na naman
Muling sumusulyap sa bintana kong nakapinid

Huwag mo nang tangkaing itulak
Ang pinto ng aking kahinaan

Dahil hindi ka nyan pagbubuksan
Habang ako’y gising

Huwag mo na kong dalawin
Huwag ka nang magpakita sa akin

Ano nga ba ang dahilan
At lagi kang andyan?

Kelan mo ba ko titigilan?

At ngayon, nagpaalam ako sa ngiti…