Archive for August, 2007

h1

Beautiful You – Sad One

August 13, 2007

Light tricks and the music plays one more time,
The silent verse falls through the night
And the evening speaks of nothing but us…

Our evening shines brightly through the dark,
Silence broken by a kiss
And the moment speaks of nothing but us…

We kissed until the morning light
Beneath these old lights
There I loved you first…

We’ll make this night ours,
Take the skies by our hand…
Till forever speaks of nothing but us,

I’ll hold you in between,
In my arms I’ll let you sleep.
This time I’ll let you sleep,
Warmer than the stars
The world will speak of nothing but us…

We kissed until the morning light
Beneath these old lights
There I loved you first…

…And you loved me back

h1

Hiya sa Gabi

August 8, 2007

Tahimik ang gabi noon
Nang yakapin mo ko
At ibinulong ang mga katagang “Mag ingat ka”
Sabay halik sa aking pisngi

Umihip na sa mapungay kong mata
Ang amihang handa nang bumati
Sa kapangyarihan ng paalam

Naramdaman ko ang daloy
Ng kaba na may kahalong panghihinayang
Na tila ba gumuguhit sa aking ugat
At nag iiwan ng sakit sa kaluluwa

Pababayaan ba nating magpaalam
Ang mga luha sa ‘ting mga mata
O hayaang pumaroon nalang  sa kawalan
Ang mga mahiyaing buntong hininga?

Sa panandaliang pagtigil ng aking isipan
Katabi ko ang mga sandali na sana’y
Huwag nang matapos pa

Tinitigan ko ang bituin
Hindi ko maitago ang hiya
Sana’y maunawaan nya
Ang elehiya ng isang binata…

h1

Hindi Na… – gat3keeper

August 8, 2007

Mendiola na naman…

Hindi ko na hahanapin
Ang uniporme mong puti

Mga matang matalinhaga
At balat na parang sutla

At mga haplos
Na pinagsawaan ng iba
Huwag mong idampi sa akin

Ang pagtawid natin sa kalsada
Habang magkahawak kamay
Ayoko na rin maalaala

Sapagka’t ang gaya mo
Ay walang pinagkaiba
Sa estudyante ng Mendiola

Umaalis, dumarating
Walang natitira…