h1

Ulan – gat3keeper

July 14, 2006

Hating Gabi…

Sa pagtingala ko sa basang ulap
Mga patak ng ulan ay humalik sa aking pisngi
Pumalit sa mga nawalang luha…
Nung gabi na hinalikan mo ‘ko
At lumisan ng walang paalam…

Ang basang kalyeng alam natin
Ay nagsilbing mga huli mong hakbang
At hindi na muling mararamdaman
Ang ating masayang paglalakad
Magkahawak kamay…
O marinig ang ating halakhak o tawanan…

Ibinulong ng kulog sa akin
Ang darating na mga panganib ng katahimikan
At sing-bilis ng kidlat
Nawala ka sa kalye
Na hindi man lang nagpaalam…

Kahit ang madilim na ulap
Ay nagawang itago sa aking ang liwanag
ng mga bituin…
Tulad ng pagtago mo ng mga nawalang pagasa…

Ganun pa man ako dapat ang sisihin,
Sa ganitong klase ng ulan…
At kahit kailan hindi mo naramdaman
Kung gaano ka kahalaga sa akin
Sa labas ng ulan…

One comment

  1. wow..nice



Leave a Comment