tulad ng sabi sabi…
mahirap kumpunihin ang mga sira
minsan mas maganda pa iwasan ang mga bagay
kesa kumpunihin ang mga naiwang sira
nakakapagod na rin kung minsan,
pinilit mo naman baguhin ang mali
at punan ang mga kulang
ngunit sa huli,
talo ka pa rin
ikaw pa rin ang lalabas na masama
ikaw pa rin ang lalabas na salarin
wala naman taong perpekto di ba?
lahat tayo may pagkukulang
pero ang hindi ko maintindihan
bakit merong mga tao na nakatitig sa kamalian mo
at bali wala na lang ang mga nagawa mong tama?
siguro nga kaya naimbento ang salitang “talagang ganun”
dahil wala na tayo magagawa…
ang pagbabago ay hindi nagtatapos sa ating mga sarili…
ang pagmamahal ay may sukatan…
ang bawat utang ay may kabayaran…
ngunit sabi nga ng isang kaibigan,
“hindi lahat ng bagay ay parang utang
na pag nabayaran mo eh ok na”
tama!
marahil ngayon alam ko na,
na ndi sapat ang magbayad
kailangan ko munang masaktan…
kailangan ko munang umiyak…
kailangan ko munang maghinagpis…
at kailangan ko munang malungkot sa isang tabi…
ngunit hanggang kelan?
pagod na ko
at kung minsan nawawalan na rin ako ng pag asa
ang hirap kumpunihin ng isang relasyon
na alam mong maraming sira…
dapat bang iwanan na lang?
dapat bang lumisan?
o dapat hayaan na lang?
kelan ba naging doctor ang mekaniko?
kelan ba naging taga bigay ng gamot ang mekaniko?
at kelan ba naging taga tahi ng sugat ang mekaniko?
sa biyaheng ito,
ako ang mekaniko
taga kumpuni ng sirang relasyon
sa sasakyang pilit mong pinababayaan…